|
|
|
|
Friday, April 23, 2004
|
|
Since i'v been in a sleeping spree like there's no revalida exam coming tomorrow and because i havent studied anything yet...as in wala pa talaga, here's wut m gona do! ~~~~~ THE PLAN 1. hindi ako matutulog...well,matutulog ako from 6am to 7:30am...pero bukas na nga pala yun...so hindi na nga talaga ko matutulog...yipee! 2. iinum ako ng redbull 1 hour after dinner, kape at 12 am and 3 am. alam nyo kung bakit? dahil kagabi uminom ako ng lipovitan pero nakatulog pa rin ako... 9 hours of sleep pa! 3. magdadasal bago mag-aral para sa isang mirakulo na matatapos ko ang pathology, anatomy1and2, embrology, kinesiology...parang naka-condense ang isang sem sa isang gabi...i lllllove cramming! 4. titingin sa buwan at magmumuni muni bilang break tapos re-focus ulit kung ok pa ang concentration 5. magte-text para pampagising pag nawawala na yung effect ng mga ininom 6. study 7. study 8. and study pa until 6am! kakapagod naman kasi internship. lupaypay na pagadating sa bahay. actually, ayoko na sana mag-aral dahil for sure im gonna flunk. pero pangit din naman yung feeling pag may exam tapos wala ka talaga inaral. hirap mag-rely sa stock knowledge...wala ako nun eh...stucked knowledge meron! nyahaha! |
|
posted by phaedra 7:18 PM
|
|
|
|
Saturday, April 03, 2004
|
|
as it is now official that I'm an intern already (for the life of me, how did i reached 5th year?)...im gonna miss... the OT laboratory-activitiy room - yung nakakainis pag dun may class kasi ang sikip sikip and like what anna said, the place is not conducive for learning. hindi lang masikip pero nagkaron pa ng time na nagiging blue na yung daliri namin sa lamig. Fyi, ako yung nagtaas nung vent the last time we had a class there...sana hindi na galawin ni sir jess/sir rene para hindi na feeling nasa north pole yung mga estudyante.well, mami-miss ko naman ang buong OT lab, dahil dito naging concrete yung mga OT concepts. masarap nga rin pala dito matulog. the 3rd flr of the Med Bldg - the area in front of the Learning Resource Unit of the Faculty of Med...yung may mga chairs. That's where Anna, Lorra, Melissa (nung nandito pa siya sa Pinas) and I usually study...pag ayaw makarining ng panic ng fellow classmates lalo na ni Mr. Manic...that's the best place to study/sleep...mahangin and masarap din doon tumingin sa kawalan. and when youre there also you have a bigger chance to see the most handsome guy and the ugliest dog on earth...haha! the Medicine Library - the library that allows sleeping...kahit ilang oras ka pa matulog, ok lang...i remember, dun ko na-meet si Mr. ___ tsaka yung crush ni Lorra na may surname na sobrang hirap i-pronounce...yung spelling lang nun B-a-d-r, pero pag sasabihin mo parang lahat ng letters sa alphabet nandun. the medicine library...ang lugar na takbuhan pag walang class, pag walang magawa, pag mainit, pag gusto matulog, pag gusto mag boy hunting, pag gusto magpaka-nerd. and hindi ko mami-miss dun yung mga bitchy librarians...i know, i know, they're just doing their jobs pero basta,ayoko sa kanila. the canteen of the MedBldg - yung mainit na canteen, yung place sa MedBldg na akala mo walang pressure, pero tataas din dugo mo sa sobrang mahal ng mga pagkain.si aling melba lang ata mami-miss ko dito...she's the person na laging nagbibigay sa kin ng ice for free! pag may dala kong salad for my friends, siya lang yung pumapayag magpalagay sa ref...kapal ko noh...eh kesa naman kasi mapanis yung salad...hmm...gusto ko tuloy kumain ng salad. the college secretary - mami-miss ko ba toh? siyempre hindi noh...pag nagtanong ka sa kanya ng maayos, magme-metamorphose yan into a creature na sobrang sungit. meron lang sigurong mga tao na kahit matanda na eh marami pang hindi alam sa buhay...ano kaya kung bigyan ko ng books ni Paulo Coelho...hehe...wag na...sayang... the catwalk - the official rendezvous of everyone in the UST-CRS...ang tambayan after ng class...masarap tambay dito pag alang tao...antayan ng sundo ni michelle...andito rin yung pavilion kung saan nag-tumbling si anna na naging dahilan ng tag name niya sa blog...the security guards - yung mga masusungit na security guards...sila yung naiintindihan ko, hindi yung mga librarians...hindi ka talaga palalampasin hangga't di nag flash yung mukha mo sa screen dun sa may entrance...suki nga ako sa mga logbook ng mga to kasi lagi ko nakakalimutan ID ko...pero minsan naman, ngitian ko lang magpapadaan na...haha! |
|
posted by phaedra 6:51 AM
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|