Hi. May associate degree ka na pala sa natural science and mathematics jan, loka! Sabagay matagal na rin tayo di nakakapag-update sa isa't-isa kaya madami na rin mga nangyari sa buhay-buhay na hindi naten alam. Well, ano bang bago sa aken. After kasi nung boards, nagtuloy-tuloy na yung mga pangyayari. yung dami ng magagandang events, sing-dami ng mga shitty events. Pero syempre, yung mga taeng events eh ikwento ko na lang sa yo kapag nagkita tayo ulit sa YM. Ngayon, currently employed ako as an OT sa philippine heart center and sacred heart school-BelAir. Isang hospital-based, yung pangalawa school-based. Tapos sa Monday (Feb 12) mag-start ako as medical transcriptionist. Schedule for that 3rd job will be in the evening kasi alam mo buhay na buhay pa dugo ko sa gabi. Another thing is, gusto ko ng variety sa mga ginagawa ko. SAturated na rin kasi ako sa OT. Nakakapurga na rin pero of course, di ko nman siya bibitawan. Pang-added spice lang yung medical transcription sa carrer life. Tsaka alam mo, natutuwa ako kasi tinanggap ako nung company kahit wala akong formal education for med trans per se. Ngayon kasi, madaming nagsulputan na companies so nag-require na sila na dapat may formal training ka for that. Fyi, nung binigyan nila ko nung hands-on exam, eh lumabas ang pagka-ignoramus ko sa comp. Haha! Pero di ba, madali lang nman kasi pag-aralan 'tong mga technical stuff. Last week, isang buong linggo akong nagkasakit dahil sa pagod. Nagtuloy-tuloy rin kasi ako sa work for approx 3 months, monday to saturday, at abot ng gabi dahil may mga home service din ako. I think kung anong pinagdadaanan kong ka-toxic-an sa work, e same kay Anna. Tinanong nga niya ko panu mag-apply ng MT dahil parang gusto nya rin mag-apply. Sabi ko baka di nya kayanin kasi wala ng tatalo sa ka-toxic-an nya sa PGH. Gusto ko nga pala malaman landline number mo jan sa Calif para makapag-usap nman tayo ng normal. Wag mo i-send sa friendster ko ha kasi di ko nga mabuksan sa comp nmin. Dito pa rin ako kina Ate. Nanood kasi kami ng HotAir Balloon Competition at sumali sa photo contest. Astig, grabe! Kasi ang ganda talaga nung combination ng different colors nung balloons habang sunrise tsaka habang nag-pump sila ng hydrogen air.Post ko pix dito once nakauwi na ko sa amin. Hanggang dito na lang muna ha! Hope to hear from you soon!! For Melissa |